Joselito D. Pinagpala: A story of a man's success and its unsolicited cost (Filipino Monologue Script)
Ang bilis din nga naman ng panahon. Sinong mag aakala na ang isang tulad
kong gusgusin at taga iskwater lang noon ay lalapit-lapitan at
titingalain ng ng mga tao ngayon. Parang kahapon lang…
Punyeta
kang bata ka. Nakahiga ka na naman! Hindi ka na nga nakaktulong dito sa
pamamahay na ito nakakapurwisyo ka pa! katiting na nga lang inuuwi mo
dito! Ang lakas lakas mo pang lumamon! Ayaw kang gigilas-gilas, eh di sana ay nauubos mo ang sampaguitang iyan.
Oh
ano magsusumbong ka sa tatay mo? Sige magsumbong ka, wala akong
pakialam. Magsama kayo ng tatay mo na walang kwenta! Mga bwisit kayo!
Huwag na huwag nyo kong iistorbohin kina bebang mamaya, subukan nyo lang
talaga. Mga salut kayo.
Anak
kaya talaga ako ni Inay? Parang kahit kelan naman hindi nya ako
tinuring na anak. Medyo mabait sya kapag nananalo sya sa majong.
Bibigyan nya ako ng kendi o sopdrinks. Okay sana kaso madalas naman
syang talo. Hindi nya nakikita mga sakripisyo ko dito sa bahay. Buti na
lang talaba maswerte ako sa aking itay.
Oh
anak? Bakit ka nagmumukmok diyan? Napagsabihan ka na naman ng iyong
inay? Ay pagpasensyahan mo na! Balita ko ay natalo daw ng 3 libo ang
inay mo kanina eh. Mabait naman ang iyong inay. Intindihin mo na lang
anak. Basta sinasabi ko sayo, kung ayaw mong iaasa ang buhay mo sa
sugal, kung ayaw mo nang magbenta ng sampaguita, ay mag-aral ka ng
mabuti. Kung hindi lang ako nagkasakit noon, siguradong abogado na ako
ngayon.
Aba’y
ayaw maniwala ng aking anak! Magtatapos na ako noon, kaso
nagka-epilepsy ako. Naubos ang pera ng lolo’t lola mo sa akin sa
pagpapagamot pero hindi naman ako gumaling, kinamatayan na nila ang
sakit ko na ito. Kaya ikaw, Joselito D. Pinagpala Jr. ang magpapatuloy
ng aking pangarap. Balang araw magiging abogado ka rin!
Tatay
talaga! Wag kayong mag-alala itay. Mag-aaral ako ng mabuti sa kolehiyo
para matupad lahat ng pangarap nyo sa akin. Makakaalis din tayo dito
tatay at magkakaroon tayo ng maayos na tirahan. At wag kayong mag-alala
itay, ipapagamot ko kayo sa Saint Luke’s? Magaling daw mga doctor dun,
siguradong gagaling kayo.
Pumasok
ako sa kolehiyo. Masaya. Physics, algebra, calculus, accounting. Legal
management ang kinuha ko. Pursigido akong matupad ang pangarap ko at ng
aking ama. Pero. Ilang araw, ilang lingo, ilang buwan. Hindi ko na kaya.
Hindi ko kaya. Araw gabi akong nagsusunog ng kilay. Hindi na ako
masaya. Ayoko na. hindi na ako papasok.
Hanggang isang araw nakilala ko ang mga taong hindi ko inakalang dadampi sa buhay ko. Oy pare saan kayo pupunta? Sama ako, sama ako. Sigurado kang sasama ka? Oo sasama ako.
Alam
kong hindi tama. Alam kong mali. Hindi tama pero ginusto ko. Ginusto
kong matikman ang langit sa impyerno. Sininghot ko ang pulburang
magdadala sakin sa langit ng impyerno.
Paris,
France. Take my hand, take my whole life, kapag ako naging mayor sa
lugar na ito, ipagbabawal ko talaga yang mga pulis. Calculus is the most
obscure subject of all, we can’t use it in our daily lives so why
should we study it. Iniisip kaya ng mga alimango na lumilipad ang mga
isda?
Walang masama. Wala akong sinasaktang tao.
Ilang araw, ilang lingo, ilang buwan. Nanalagi ako sa langit ng impyerno.
Pero may listahan. Paparatayin daw kami. Lahat kami. Ako? Ako mapapatay? Imposible hahahaha
Barilan.
Saan? Lahat sila nag takbuhan, binilisan ko. Tumakbo ako, tumakbo ng
mabilis. Kailangan ko magtago kundi mapapatay ako. Binilisan ko. Ang
aking itay, bakit sya nasa labas? Sa bilis ng aking takbo ay nadanggil
ko ang itay, napahiga sya sa kalsada. Pero wala akong pakialam.
Kailangan ko magtago. Katahimikan…
Lagabang. Katahimikan… lumabas ako. Bakit pinagkakaguluhan ang itay?
Ilang araw, ilang lingo, ilang buwan naranasan ko ang impyerno sa lupa.
Tatay,
alam kong masaya ka na jan sa langit. Patawarin mo ako, patawarin mo
ako na hinintay ko pang mawala ka bago ako magpursigi. Patawarin mo ako
itay. Patawarin mo ako sapagkat ikaw ang nagbayad sa aking mga
kasalanan. Para sayo lahat ng ito.
Joselito D. Pinagpala, Abogado. Dating adik pero nagbago.
Sinulat at Pagmamay-ari ni J. De Castro
Imahe galing sa VideoBlocks.com
People
People

Post a Comment